-kapag
alam nya ang araw ng sweldo mo, 24-7 babantayan ka nya, dadalawin ka
nya sa bahay mo at magpaparamdam pa sya sayo... magtetext sayo ng... Hi
kamusta na u? gud am, gud pm,nagbreakfast na ba u Or naglunch ka na ba,
nagdiner kana ba.. at pati meryenda tatanungin pa nya...PERO kapag araw
ng bayaran ng utang..naku,humanda kana... hindi ka na sasagutin sa
celphone nya,aabutin ka ng 1 million times sa call and text sa kanya
hindi ka nya TALAGANG- TALAAGA sasagutin, MANIGAS KA hehehe... kadalasan pa off
ang celphone nya at magdadahilan pa sya na low bat or walang load ang
kanyang celphone kaya hindi daw sya makapagreply sa text mo... kapag
pinuntahan mo naman sa hauz nya... kung hindi aso ang makakaharap mo...
ang mabangis na nanay nya ang makakausap mo...hahaha
-
Props ng Utangera,Tatlo ang dalang celphone, Habang kausap mo yung taong
utangera, laging interrupted ang pag-uusap nyo dahil ipinapakita nya sayo
na kunwari maraming nagtetext sa kanya at tumatawag..sobrang busy nya,wow daming text... para isipin mo na
napaka-indemand nyang tao..pero ang totoo... tinitext nya lang ang
sarili nya na kunwari maraming tumatawag at nagtetext sa kanya..beeb ang isang celphone... tapos text sa kabilang celphone.. sobrang props akala nya hindi sya halata...
-
Habang kausap ka nya... biglang mapuputol ang usapan nyo dahil may
tumatawag sa kanya...Wow,Parang high class executive makipag-usap sa
celphone nya.. ipaparinig nya sayo na maraming gustong makipagsosyo sa
negosyo nya... pero ang totoo wala sya negosyo or lubog na ang negosyo
nya... at ang nakakatawa pa... wala naman sya kausap sa celphone
nya,kausap nya lang sarili nya... nagpapamiscol lang sya sa friends
nya...hehehe
-Dramatic
Actress, iiyakan ka nya... sempre ikaw naman may pagkapusong matulungin
parang kang angel na nalaglag mula sa heaven.. maaawa ka sa mga sad
stories nya... tulo na ang luha kasama pa ang sipon nya... ipapakita nya sayo na
parang wala na sya sa sarili nya at sobrang namumublema sya... kapag inalukan
mong kumain kunwari wala syang ganang kumain pero panay kurot nya sa pagkain hanggang maubos with matching drama pa... sempre maaawa ka,
masasabi mo na, wag na u malungkong eto ang tissue punas kana ng luha mo
at biglang mapapahiram or mapapautang mo sya ng pera sa sobrang awa mo sa kanya... Pero, pero at pero pa ulit pagdating
ng araw ng bayaran... ikaw na ang mapapaiyak at tutulo pa ang sipon
dahil sa sobrang inis mo...ayaw ka na nya bayaran.. kahit idemanda mo pa
sya... matigas na ang mukha nya...talagang hindi ka nya babayaran kahit
magmakaawa ka pa...sorry ka nalang.. Say ng utangera, bye thank u
magkalimutan na tayo... "Ganun, Hey wait bayaran mo naman ako pls..."
-Utang
Express.. pautangin mo naman ako,promise after 2days babayaran
kita,sabi ng utangera... Pangakuan ka nya na tubuan nya ang uutangin
sayo, pati araw,buwan at bituin sa langit susungkitin nya para
mapaniwala ka lang na talagang babayaran nya ang utang sayo... sempre
nakumbinsi ka sa sobrang tamis ng dila nya... eto na si ikaw...
pinautang mo sya dahil after 2days babayaran ka ayon sa pangako
nya...eto ang pagkakamali mo.. hindi mo tinanong kung anung year nya
babayaran..Two years na ang utang hindi ka pa nya binabayaran... basta
sabi nya lang after 2days babayaran nya ang utang..nakalimutang mong itanong what
year? hahaha
-
Negosyanteng Utangero, hoy friend may negosyo ako,sabi ng negosyanteng
utangero... friend,supplayan mo ako para tumubo ka naman... supplayan mo
ako ng ganito at supplayan mo ako ng ganyan para kumita ka at tubuan mo
nalang... Sempre impress ka sa friend mong negosyanteng utangero...pero
ang totoo inuutusan ka lang nya para mamuhunan ka sa negosyo nya.. may
conflict of interest sya sayo... tapos ang ibabayad nya sayo.. Post
dated check na hahabulin pa ang pondo...grrr...User!!!! Go to Hell... tapos sasabihin pa sayo ni utangero... naku friend bilisan mo pagpalit sa checke baka unahan kapa ng ibang inutangan ko...pisti ka iiiw
-Buy me a car- Pautang... bakit?... kase kukuha ako ng car...
Aaah ganun, eh ako nga wala me Car tapos pauutangin kita para makabili ka ng car...
Pasagasaan kaya kita pison gusto u... cute-ng-ina mo...hehehe
Utangero magaling lumusot, To Be Continue...
No comments:
Post a Comment