- kakaibiganin ka, magkwekwento sya na meron akong ganun negosyo at meron ako ganyang negosyo.Minsan kapag magmemeryenda kayo... makikipag-unahan pa yan sa pagbayad at maglibre sayo... yum pala namumuhunan lang sya dahil may tangka syang mangutang sayo...
-kapag alam nya ang araw ng sweldo mo, 24-7 babantayan ka nya, dadalawin ka nya sa bahay mo at magpaparamdam pa sya sayo... magtetext sayo ng... Hi kamusta na u? gud am, gud pm,nagbreakfast or naglunch ka na ba, nagdiner kana ba.. at pati meryenda tatanungin nya pa...PERO kapag araw ng bayaran ng utang..naku,humanda kana... hindi ka na sasagutin sa celphone nya,aabutin ka ng 1 million times sa call and text sa kanya hindi ka nya TALAGANG sasagutin, MANIGAS KA hehehe... kadalasan pa off ang celphone nya at magdadahilan pa sya na low bat or walang load ang kanyang celphone kaya hindi daw sya makapagreply sa text mo... kapag pinuntahan mo naman sa hauz nya... kung hindi aso ang makakaharap mo... ang mabangis na nanay nya ang makakausap mo...hahaha
- Props ng Utangera,Tatlo ang dalang celphone,Habang kausap mo yung taong utangera, laging interrupt ang pag-uusap nyo dahil ipinapakita nya sayo na kunwari maraming nagtetext sa kanya at tumatawag.. para isipin mo na napaka-indemand nyang tao..pero ang totoo... tinitext nya lang ang sarili nya na kunwari maraming tumatawag at nagtetext sa kanya..
- Habang kausap ka nya... biglang mapuputol ang usapan nyo dahil may tumatawag sa kanya...Wow,Parang high class executive makipag-usap sa celphone nya.. ipaparinig nya sayo na maraming gustong makipagsosyo sa negosyo nya... pero ang totoo wala sya negosyo or lubog na ang negosyo nya... at ang nakakatawa pa... wala naman sya kausap sa celphone nya,kausap nya lang sarili nya... nagpapamiscol lang sya sa friends nya...hehehe
-Dramatic Actress, iiyakan ka nya... sempre ikaw naman may pagkapusong matulungin parang angel na nalaglag mula sa heaven.. maaawa ka sa kanyang mga sad stories... tulo na ang luha kasama pa ang sipon nya... ipapakita nya na parang wala sya sa sarili nya at sobrang namumublema... kapag inalukan mong kumain kunwari wala syang ganang kumain... sempre maaawa ka, masasabi mo na, wag na u malungkong eto ang tissue punas kana ng luha mo at biglang mapapahiram or mapapautang mo sya ng pera... Pero pagdating ng araw ng bayaran... ikaw na ang mapapaiyak at tutulo pa ang sipon dahil sa sobrang inis mo...ayaw ka na nya bayaran.. kahit idemanda mo pa sya... matigas na ang mukha nya...talagang hindi ka nya babayaran kahit magmakaawa ka pa...sorry ka nalang.. say ng utangera, bye thank u magkalimutan na tayo... "ganun,hey wait bayaran mo naman ako pls..."
-Utang Express.. pautangin mo naman ako,promise after 2days babayaran kita,sabi ng utangera... Pangakuan ka nya na tubuan nya ang uutangin sayo, pati araw,buwan at bituin sa langit susungkitin nya para mapaniwala ka lang na talagang babayaran nya ang utang sayo... sempre nakumbinsi ka sa sobrang tamis ng dila nya... eto na si ikaw... pinautang mo sya dahil after 2days babayaran ka ayon sa pangako nya...eto ang pagkakamali mo.. hindi mo tinanong kung anung year nya babayaran...Two years na ang utang hindi ka pa nya binabayaran... basta sabi nya lang after 2days babayaran nya..nakalimutang mong itanong what year? hahaha
- Negosyanteng Utangero, hoy friend may negosyo ako,sabi ng negosyanteng utangero... friend,supplayan mo ako para tumubo ka naman... supplayan mo ako ng ganito at supplayan mo ako ng ganyan para kumita ka at tubuan mo nalang... Sempre impress ka sa friend mong negosyanteng utangero...pero ang totoo inuutusan ka lang nya para mamuhunan ka sa negosyo nya.. may conflict of interest sya sayo... tapos ang ibabayad nya sayo.. Post dated check na walang pondo...grrr...User!!!! Go to Hell...
Utangero magaling lumusot, To Be Continue...
No comments:
Post a Comment